L A N G A W

Don't judge a shit by the flies that hover around it.

Mahika

mag-iwan ng puna »

Ngayong gabi, dito sa aking maginaw na kwarto, napansin kong maliwanag sa labas pagkapatay ko ng ilaw. Mula sa nakasiwang na blinds ng bintana, aking natanaw ang pinagmumulan ng liwanag. Sa malawak na kalangitan, naroroon siya. Bilog.

Saglit na huminto ang pagtibok ng aking puso. Naramdaman kong tumambling ang aking bituka. Nagwawala ang lobo sa loob ko. Gustong umalulong. At ako ay walang nagawa, kundi ngumiti.

Halos isang linggo na mula nang huli akong kumain ng tsokolate.

Subalit ngayong gabi, kung ako’y papipiliin sa pagitan ng tsokolate at buwan, hindi ako mag-aatubiling piliin ang buwan. Hindi ko yata kayang ipagpalit ang kakaibang kapanatagan na dulot ng buwan sa aking kalooban sa gabing ito.

Bilog na naman kasi ang buwan.

Written by langaw

Nobyembre 13, 2008 Sa 11:23 Hapon

Ipinaskil sa Post-college

Minarkahan ng

Mag-iwan ng Tugon