Luv
Naligaw ako sa isang blog na may mahabang listahan ng mga quotable quote mula kung kani-kanino. Kumbaga sa Ingles e, people from all walks of life. Merong quotes mula sa mga popular na awtor gaya nina Bob Ong at Paulo Coelho. Meron ding mga nakakatuwa mula kina Paulo Kwelyo, mga Bob Ong wannabe, at Nagtitinda ng gulay. Sa lahat ng mga nakatala, isang quote ang higit na tumawag ng aking pansin. Galing sa textmate ng blogger:
Kung pagmamahal lang ang problema mo eh di magmahal ka. Pwede namang magmahal kahit wala kayong relasyon.
Akma ang quote sa napapanahong isyu tungkol sa battered wife ni Chavit Singson. Interesanteng suriin ang papel ng pag-ibig sa pagsasama ng dalawang indibidwal. Gusto kong matukoy kung ang teorya ng ‘true love’ ay mito o totoo. Sa lipunang patriyarkal, hindi na nakapagtataka kung dehado ang kababaihan maging sa relasyon. Subalit hindi nangangahulugan na dahil ganito ang siste, hindi na ito mali. Bagamat nang marinig ko ang balita at mapanood sa screen ang nag-uubeng mukha ng asawa ni Chavit, hindi ko pa rin naiwasang hindi magulat. Tila yata kahit panahon walang panama sa sistema. Siguro nga nasa tao na rin lang talaga ang diskarte. Kahit gaano pa kamoderno o high-tech ang panahon, may mga laban na sadyang mano-mano lang. (Hello Pacquiao?) Gayunpaman, babae man o lalaki, tungkulin ng bawat isang ipagtanggol ang kanyang mga karapatan. Kung nagawa mong magmahal ng iyong kapwa dahilan para ikaw ay pumasok sa isang relasyon, sarili mo pa kaya ang hindi mo kayang mahalin at magawang ipagtanggol?
Hindi ko inuusig ang battered wife bilang babae. Inuusig ko siya bilang indibidwal. (Off-topic na tuloy.)
Ayon sa balita, umusbong ang pag-iibigan (=’true love’) sa pagitan ng dalawa dahilan para sila’y magsama bagamat hindi naging legal na mag-asawa. Nagkaroon ng limang anak at pagkatapos ng ilang dekadang pagsasama, nauwi sa hiwalayan. Nambababae umano ang dating gobernador. Nang maghiwalay, naghanap ng bagong boyfriend ang dating Misis na siyang naging mitsa ng kanyang madilim na sinapit.
Sa nobela ni Gabriel Garcia Marquez, ang Love in the Time of Cholera, hindi nag-umpisa sa ‘true love’ ang pagsasama nina Dr. Juvenal Urbino at Fermina Daza bilang mag-asawa. Si Florentino Ariza ang kasintahan noon ni Fermina Daza. Gayunpama’y di naglao’y nahulog din ang kanyang loob sa napangasawa. Ibig sabihin pala ang puso ay natuturuan mong magmahal. (At magagawa mo ito kung gagamitin ang utak mo.)
Sa kabilang banda, si Florentino Ariza ay puro puso kaya tuloy para siyang asong naulol nang magpakasal ang kanyang ‘true love’ sa tanyag, matagumpay, at mayamang doktor. Partida lang sa kanya ang naging ending ng nobela dahil siya ang bida at namatay ang doktor. Pero kung hindi pinatay ni Gabriel Garcia Marquez si Dr. Juvenal Urbino, hindi makakakilos si Florentino Ariza. Sa isang bahagi ng kwento, inamin ni Fermina na atraksyon na may halong delusyon lamang ang kanyang naramdaman kay Florentino Ariza. Isa pa ay mga bata pa sila noon. Samakatuwid, ang kanilang istorya’y isa lamang kaso ng puppy love.
Kung paghahambingin ang dalawang sitwasyon, mahihinuhang hindi nakabatay sa ‘true love’ ang pagtatagumpay ng pagsasama ng dalawang indibidwal bilang mag-asawa. Dito na pumapasok ang kaibhan ng puppy love sa kasal. Batay na rin sa pahayag ni Fermina Daza, ang ‘true love’ ay manifestasyon lamang ng immaturity kung kaya’t totoo lamang ito sa puppy love. Samantala, ang kasal ay may basbas ng simbahan at nakatali sa batas. Ito ay hindi na lamang concerned sa pagiging in-love ng mag-partner kundi isang panibagong responsibilidad ng dalawang pinagbuklod na indibidwal. Mas mahirap kamo dahil kailangang may pakikisama, may pag-unawa, may pasensya, etc. Ika nga ni Dr. Juvenal Urbino,
The most important thing in a good marriage is not happiness, but stability.
(Walang nabanggit na ‘true love’.) At sabi ko naman,
I don’t believe in love. I only believe in fixed marriage.
![]()
(Wag pansinin.) Samakatuwid, ang teorya ng ‘true love’ ay hindi totoo. Ito ay isang mito. Meron lamang puppy love, kung kaya’t ang mga tao ay naiin-luv. Taliwas sa nasa pambungad na quote, na isang halimbawa ng escapism, malaya kang pumasok sa isang relasyon basta’t alam mo ang iyong obligasyon.
malaya kang pumasok sa isang relasyon basta’t alam mo ang iyong obligasyon.
-eto pinaka peborit ko..kasi karamihan ng may karelasyon ngayon lumilipad pa sa ibang pugad..prng langaw lang..peace! ^,^
perstaym ko yata d2? musta insekto? hehehe..
precious
Setyembre 5, 2009 at 5:13 Hapon
Totoo. Ang langaw kahit saan dumadapo.
Pero ako ay isang faithful na insekto sa aking palagay hehehehe. Salamat!
Mamahalin ka pero di nabibili
Mamahalin ko ng libre…
hindi ka bagay na gagamitin, hindi ka bagay
hindi ka bagay parang mannequin, hindi ka bagay
hindi ka bagay tingin sa salamin, hindi ka bagay
hindi ka bagay para sa akin, hindi ka bagay
Kanta ng PAN, ‘Precious’ ang title.
langaw
Setyembre 5, 2009 at 5:29 Hapon
you believed in fix marriage? kung ganun isa kang muslim?
Mars / Kulot
Setyembre 5, 2009 at 6:29 Hapon
Opo. Hindi po.
langaw
Setyembre 5, 2009 at 6:43 Hapon
konti na lang, pwede na kitang i-add sa blogroll ko. ganda ng entry mong to ah.
taympers
Setyembre 5, 2009 at 11:05 Hapon
e sa soulmate naniniwala ka??
tsenn`
Setyembre 7, 2009 at 7:47 Umaga
Salamat, taympers! konti na lang pala haha.
Naniniwala akong hindi limitado sa mga romantic couple ang soulmate-soulmate na yan. OK na ba yun, tsenn`?
langaw
Setyembre 7, 2009 at 1:10 Hapon
maganda nga ata yang love in the time of cholera. nandito yan sa bahay dati, kaso, di ko nabasa.
sakin naman, ang konsepto ko ng true love, ay nalalayo sa modernong deskripsyon ng true love. ang sa akin, ang pagpasok sa estado ng ‘in the truth of love’, ay ang pakikipagbanggaan ng dalawang taong nagmamahalan sa totoong saysay ng pag-ibig. totoo, tunay. at para sa akin, dapat ay responsable.
nauso kasi sa mga kabataan ang true love. kaya bukod saumigsi na ito, ay nagbago pa ang ibig sabihin. lumabo, at nabahiran ng pagkaisip bata.
sakin, meron pa ding true love. sana nga lang magkaroon ako.
yikiiie! gumaganon! hahaha.
aKDa
Setyembre 7, 2009 at 11:41 Hapon