I.D.
Pag wala ka palang I.D., hindi ka tao. Hindi ka totoo. Hindi ka nag-eexist.
Eksena Bilang 1: Nakalimutan mo dalhin ang I.D. mo. Nasa gate ka na ng iskwelahan mo.
Sikyu: ID mo?
Ikaw: Hindi ko po dala e.
Sikyu: Bawal pumasok.
Ikaw: Mahuhuli na po ako sa klase ko.
Sikyu: Estudyante ka ba talaga rito?
Ikaw: Opo. Nakalimutan ko lang po talaga dalhin yung ID ko. Naiwan ko po sa bahay. Kaya papasukin n’yo na po ako. Sige na po, please.
Sikyu: No ID, no entry.
Samantala…
Guro: *rollcall*
Kaklase: Absent po.
Eksena Bilang 2: Balikbayan ka galing abroad. Marami kang dollars na dala. Magsa-shopping ka sa SM.
Cashier: Sir, I.D. n’yo po.
Ikaw: Ha?
Cashier: Kailangan pong mag-present kayo ng proof of identification pag magpapapalit kayo ng pera.
Ikaw: E hindi ko dala yung passport ko e.
Cashier: I.D. po?
Ikaw: Hindi ko rin dala.
Cashier: Sir, hindi po pwede. Sorry.
Eksena Bilang 3: Friday night. Gimmick with friends. Inuman sa bar.
Waiter: Can I see your I.D.?
Ikaw: What for?
Waiter: I need to verify your age.
Ikaw: But I’m already 21!
Waiter: I need to verify your age.
Ikaw: I don’t have my I.D. with me.
Waiter: I’m afraid I can’t take your order then.
Maski sa paghahanap ng trabaho, sa pag-claim ng papremyo, sa pagmamaneho, at sa marami pang ibang sitwasyon, kelangan ng identifikasyon. Kung wala kang passport, hindi ka pwedeng umalis ng bansa. Kung wala kang VISA hindi ka pwedeng pumasok sa ibang bansa (maliban sa HK). Kung wala kang driver’s license, hindi ka pwedeng magmaneho. Kung wala kang Social Security card, hindi ka pwede magtrabaho. Kaya kung wala kang birth certificate, hindi ka makakapag-aral, makakapaghanap ng trabaho, makakapag-abroad, etcetera. Hindi ka tao! Hindi ka totoo! Hindi ka nag-eexist!
Sa mundong ito, higit na mahalaga ang I.D. mo kaysa sarili mo.
ako, di ako pinagbebentahan ng yosi sa grocery store sa tabi namin pag wala akong dalang I.D WITH BIRTHDATE pa, kuntodo. mukha daw kasi akong fetus, este, hindi 18. samantalang nung 16-17 pa lang ako, hindi nila ako hinihingan ng id na merong araw ng kapanganakan ko. ibig kayang sabihin nun mukha akong losyang nung 17 pa ako?!
sana nga, pangarap ko ng magkaron ng id na hindi natatanggal sa daliri. ung tipong nasa kuko ko na siya. para hindi ko na nakakalimutan. nangyari na din kasi sakin ang eksena 1. pero nauto ko yung guard, kaya nakapasok ako. hehehe.
aKDa
Setyembre 7, 2009 at 11:33 Hapon
prng hnd naloka ako sa eksena 2..papapalit kylngan ID? hehehe…^,^
precious
Setyembre 8, 2009 at 9:28 Umaga
haha grabe naman yan langaw. aanhin ang id kung wala ang may-ari neto?? tao pa rin ang mas mahalaga hehe
tsenn`
Setyembre 8, 2009 at 6:33 Hapon
langaw!
hehe wululung
tsenn'
Setyembre 21, 2009 at 3:32 Hapon
Noong si Rizal ba hinihingian ng ID, naglalabas na lang ba xa ng isang piso?=P
timangkey
Setyembre 29, 2009 at 9:06 Hapon