L A N G A W

Don't judge a shit by the flies that hover around it.

Daddy

mag-iwan ng puna »

Habang ang buong sambayanang Pilipino ay nakikiramay kay Kris Aquino sa pagkamatay ng kanyang ina, ang dating Pangulong Corazon Aquino, noong ika-1 ng Agosto, tahimik akong nagpaalam kay Daddy sa kanyang libing nang araw ding ‘yon sa Bicol Memorial Park.

Hindi tulad ng burol at libing ni Mommy halos limang taon na ang nakararaan, kalmado at panatag ang loob ko nang dumating ako sa Bogtong. Sa katunayan, napagmasdan kong maigi ang mukha ni Daddy sa ilalim ng salamin at napansin ko pa ang namumutlang halos naninilaw na at halos buto nang braso niya. Anlaki ng ipinayat ni Daddy mula nang huli ko siyang makita noong Mayo ng nakaraang taon bago ako lumipad pa-Amerika.

Iyon na marahil ang dahilan kung bakit madali kong natanggap ang pagkamatay ni Daddy. Nabisita ko pa siya. Hindi tulad kay Mommy noon na abut-abot ang pagsisisi ko nang datnan ko siya na nasa kabaong na. Kaya nga hanggang ngayon, ipinagluluksa ko pa rin siya. Hindi ko pa rin matanggap at sa isip ko’y nasa akin ang pagkukulang kaya marapat lang na pagbayaran ko ang aking kapabayaan at pagkalimot ng kung ilang taong pagdurusa dulot ng matinding pangungulila at guilt.

Written by langaw

Agosto 7, 2009 at 1:01 Hapon

Ipinaskil sa Post-college

Minarkahan ng

Misteryo

mag-iwan ng puna »

Bakit dito sa atin required ang ID para makapasok sa library (at humiram ng libro) pero sa pagbili ng beer sa tindahan hindi?

Bakit kinikilala ang isang tao kung kailan patay na siya?

Bakit may minimum number of pages ang isang research paper?

Kailan pa naging requirement sa buhay ng tao ang pagkakaroon ng jowa?

Bakit pinaplantsa ang buhok kung hindi naman ito telang nagugusot?

Paano ba mag-vote wisely?

Maliban sa kita (pera), bakit kailangan (kong) maghanap ng magtrabaho?

May Katwiran ang Katwiran

Kung may hirap ang magtanong
Lalong kay hirap matanong
Pag nagtatanong palagi kang tumpak
Pagsagot, maa’ring mabugak

Written by langaw

Agosto 7, 2009 at 11:04 Umaga

Ipinaskil sa Scratch Paper

Minarkahan ng

Budhi

mag-iwan ng puna »

Gusto kong bumalik sa bayan ko

Gusto kong mag-aral na muli

Gusto kong balikan ang mababang paaralang pinagtapusan ko upang doo’y magturo

Ay, kaysarap sanang mangarap

Ngunit isa lang ang tinitibok ngayon ng aking puso

Sintindi ng pagnanasa kong lumingap sa kapwa ang pangamba kong mabigo

Ayaw kong pagamit sa iba

Ayaw kong pasailalim sa kapangyarihan

Ang nais ko’y mamuhay nang malaya

Siya lamang ang tangi kong pag-asa

Iniibig ko ang aking sarili

Walang dahilan para ako’y makipagkompetensya

Salapi, kapangyarihan, pangalan, reputasyon

Hindi mahalaga sa akin

Pero..

What if nagdadahilan lang pala ako?

What if gusto ko lang pala iwasan magtrabaho?

What if pang-barrio school lang pala ang galing ko?

What if escape is the easiest way to life?

Hindi ko alam kung anong gusto ko.

Written by langaw

Hulyo 14, 2009 at 10:35 Hapon

Ipinaskil sa Tissue Paper

Minarkahan ng

Pisikal

mag-iwan ng puna »

Mahigit isang linggo na akong inuubo at sinisipon at inuubo at sinisipon at inuubo at sinisipon

May kung ilang rolyo na ng tissue paper ang nai-flush ko sa inodoro kasisinga

May kung ilang banig na ng Solmux (at Amoxicillin) ang nainom ko

***

Ampait ng Neozep, pwe!!!

Mas gusto ko lunukin ang capsule kesa tableta. Kahit walang tubig.

***

Summer na summer pero mainit na tubig ang iniinom ko. Hindi maligamgam kundi mainit. Umuusok galing pa sa gripo mismo. Nung baradong-barado ang ilong ko at masakit na masakit ang lalamunan ko, tsaa ang iniinom ko pero wala ring kwenta dahil di ko malasahan.

***

Mabibingi raw pag nasobrahan sa gamot. E nagpapatugtog pa ako sa tuwing maglalakad sa madaling araw. Lakad, hindi jog.

***

Dahil sa daily morning walk na yan, tinamaan tuloy ako ng virus. Kung kelan nag-exercise saka humina ang resistensya.

***

Dapat pupunta ako ng Tokyo Summerland pero dahil daig ko pa ang aso kung tumahol sa tindi ng ubo, pina-cancel ko na lang ang reservation.

Sa Sabado, sa Disneyland.

Sa isang linggo, hiking na!!

Tapos, birthday na!

Pwede bang mag-wish na ngayon?

Sana mawala na ang ubo at sipon ko. Sobrang hassle. Hindi ako maka-explore. Isang buwan na lang balik Tate na.

Sana mawala na ang ubo at sipon ko para mapatunayan kong hindi ako scaredy cat gaya ng sinabi ni Negro na nagkabit ng cable sa bahay.

Written by langaw

Hunyo 28, 2009 at 4:41 Hapon

Ipinaskil sa Post-college

Minarkahan ng

Mundane

mag-iwan ng puna »

Nagsasayang, ‘yan ang sigaw ng bayan. Kesyo ibinili’t binayaran ng ganito’t ganon pero di naman ginagamit ang ganito kaya di mapakinabangan ang ganon. Sinayang lang daw ang ganito’t ganon kasi’y nalaman na itong si kuwan ay aalis papuntang doon sa susunod na buwan. (Pero maliban kay kuwan, lahat ay nasasabik para sa kanyang pag-larga. I wonder.)

May bwisita ang K102 kaya hinahabaan ko lalo ang tulog. Nung unang araw ng interapsyon, hinayaan kong mag-vibrate nang mag-vibrate ang naka-silent na selepono. Bumangon ako pasado alas dos ng hapon pero hindi ko natakasan ang special guest nang mag-hangout ako sa lababo at magtitimpla sana ng tsaa.

“You’re going to the library?”

Interrogative sentence, my ass. Sa intonation nya, e 101.1% imperative. So napilitan akong maexpose sa araw, sa lamig, at sa germs.

“Have you made friends (yet)?”

Ha-ha! I wanted to laugh. Laugh. Laugh so hard it hurts.

Umm, no.

Why?” which sounded more like, “Sigh?

Bakit kailangan kong humanap ng kaibigan kung pwede ko namang i-maximize ang potential kong lumikha ng multiple personality.

Anong petsa na?!

Malalaos na ang MAX hindi ko pa nababasa. At ang City of Glass. Ang City of Glass, dalawang araw nang lumipas. Sino ba ako para akalaing mauutakan ang negosyante? Hindi na ‘to mauulit. Kung di lang dahil sa mission 101, hindi ko to susubukan.

Moral of the story: ‘Wag magpe-preorder ng libro online kung iaasa rin lang sa serbisyong FREE delivery. Free nga, isang linggo naman bago makarating. Badtrip. Enero ko pa inorder. So much for preorder. Tuyot na ang utak ko. Sa brand new copies, I mean.

Utang na loob Catherine Hardwicke wag kang wicked. Marami akong nabalitaang umayaw sa adaptation mo ng overrated na Twilight, na dati kong paborito pero ngayon ikinahihiya ko na nang labis-labis gusto kong mawalang parang bula. Wag mo sana. WAG SANA. Parang awa mo na, wag mo pakialaman PATI ang Maximum Ride series, oh no!!! Kung matututo ako ng pangkukulam, kukulamin kita pag binaboy mo ang film adaptation ng the Flock. James Patterson, wag ka papayag na siya ang direktor. Wag. Wag! Wag!!! Kung ayaw mo mabawasan ng isang (~0.00000000000001%) fan, please ‘wag.

Mamatay na lahat ng nagkukumpara sa Twilight at Maximum Ride! (Ay, kasama pala ako sa kanila dati. Ipokrita. Heehee)

Nang dahil sa pelikula, naging overrated tuloy ang Twilight. At dahil overrated na, pati Forks, naging overrated ding attraction. Kung di lang dahil sa mission 101 (na naman), hindi ko iniisip at pinoproblema ang salapi. $110/night (good for 4 persons). Diyusko saan ako maghahagilap ng ganong halaga?

Sumali ako sa scam (daw). Scam o scum? Kung tanga ako, hindi naman ako mukhang-pera. Sentimos ang kinikita, scam pa rin ba kaya yun. Pero oo, na-debase ako, holy molly. Tuwing hapon, nag-ri-ring ang selepono. Kung sinu-sinong nagpupumilit tumawag sa ngalan ng konsumerismo/kapitalismo. Kapalit ng ilang sentimos, ang aking privacy (personal information). Buti na lang sa Gmail, na-i-screen ang spam. Pero oo, na-debase na ako hu hu hu.

Ang malala, di pa man ako umabot sa quota para makatanggap ng kinita, napagastos na ako. Nabitag ako ng advertising. At ang pinain? Siyempre libro.

Sign-up now and you’ll get 8 books for just $2.

Dahil nga nasilaw ako sa patalastas, hindi ko na naisip/inisip ang dagdag na charge para sa tax & shipping. Kaya ang $2 naging $21 sa checkout.

Pero hindi naman ako nalugi. Yata.

At magkakaroon na ako ng sarili kong kopya ng Tweak, sa wakas. Malalaman ko na kung paano gumamit ng heroin! Na di kinakailangang (aktuwal na) subukan he he he.

Written by langaw

Marso 26, 2009 at 5:51 Hapon

Ipinaskil sa Post-college

Minarkahan ng ,

Rayuma?

mag-iwan ng puna »

Masakit ang kaliwang ano ba sa tagalog ang wrist ko. Matagal ko nang nararamdaman ang kirot pero inililihim at isinasantabi ko lang dahil baka ngalay lang naman, at napa-paranoid lang ako. Pero kanina talaga hindi ko na napigilan ilabas ang pagdurusang nararamdaman ko. Nagreklamo ako sa harap ng Ate ko.

At sa halip na kaawaan, pinagtawanan niya pa ako.

Kesyo nasobrahan kata-type sa internet. (Ang sabi ko naman, bakit kaliwa lang?)

Kulang daw sa gatas (calcium) kesyo: (a) hindi naaarawan dahil hindi lumalabas ng bahay (E kasi po malamiiiig!) at (b) mala-Halley’s comet kung sumikat ang araw (Welcome to the Sombiland!)…

Sa madaling salita, nirarayuma (na) raw ako!

Partner na sila ng kaliwang tuhod ko na lumalagutok din sa tuwing ihahakbang ko pag malamig ang panahon. Kung may limpak-limpak na salapi lang ako, di na ako mag-aatubiling magpunta sa clinic at ipasuri sa manggagamot. Sobrang hassle na kasi ang sakit na dulot niya. Aaaarggghhh.

Pero kung nasa Batangas ako, siguradong isang hilot lang ang katapat nito. Mama heto ang Vick’s hilutin mo po ako hu hu hu.

Digress.

Nag-uumpisa nang lumitaw ang mga cherry blossom sa kalsada sa labas. Andito na ang Spring. Shit. Dinaanan na ako ng four seasons. Kaybilis ng panahon. Mag-aanibersaryo na!

Written by langaw

Marso 19, 2009 at 10:46 Umaga

Ipinaskil sa Post-college

Minarkahan ng

Ratsada

mag-iwan ng puna »

Kailangan ko ng face mask. Sinisipon mga kasambahay ko. VIRUS ALERT!!!

***

Gusto mo ng “gamitan” experience? Add mo ko sa Facebook account tas invite kita sa Mobwars tas accept mo ha tas pag magkakampi na tayo, delete na kita sa list ng Friends ko. Sa maniwala ka man o hindi, ‘yan ang sistema sa lahat ng Facebook game applications.

***

What is love? Hindi ko alam kung ito na yung pakiramdam nung tumigil ang paggalaw ng mundo nang makasalubong ko siya sa SC o kaya naman e nung limang beses kong magkakasunod na napanaginipan siya nang kalbo pa ako. Basta ang natitiyak ko, si Ryu Garai (Thunder Jet) pa rin ang first love ko.

***

Mabuti pa ang kotse, may insurance. Yung drayber tuloy, wala. Pag naaksidente, babay.

***

Kailangan mo ng insurance para may sumagip sa’yo sa aksidente. Pero maaksidente man o hindi, hindi na makababalik sa’yo ang kabuaan ng binayad mo. Pag ako naging Diyos, buburahin ko sa ibabaw ng lupa ‘yang mga nasa Insurance Company na ‘yan.

***

Sabik na sabik ako sa pag-file ng income tax ko kasi malaki raw ang makukuha kong kickback. Tumataginting na $6 ang income tax return ko. Katumbas ng isang roundtrip na bus papuntang Seattle.

***

Kung bakit ga-kulangot lang ang halaga ng aking ITR, tinanong ko sa matatanda. Sa retirement ko pa raw malalasap ang ligaya. Nakakawalang-gana na tuloy magseryoso sa paghahanap ng trabaho.

***

Ang kabalintunaan ng buhay. Noon walang oto, walang lisensya, meron lang trabaho. Ngayong full-tank, pwedeng-pwede nang makapasok sa kahit anong bar at umorder ng alkohol, wala namang mapasukang trabaho.

***

Mas malaking bilang ng dependent, mas maliit ang kaltas sa sweldo, at mas malaking kickback sa ITR. Kung ikaw ay babae, single, at walang trabaho, magpabuntis ka na lang. May rasyon ka pang gatas at pineapple juice buwan-buwan.

***

Kung ikaw ay isang terorista, ikasisiya mo siguro ang pagdalo sa Super Bowl kagabi. Naatake mo na ang kalaban nang walang kamalay-malay, nakalibre ka pa ng dinner na chicken wings. Mission (genocide) accomplished.

***

Kung gusto mong sumuka nang hindi nalalasing, magtimpla ka ng whiskey at Dr. Pepper Diet. Kung gusto mo lang sumuka basta, uminom ka ng Dr. Pepper Diet na may halong whiskey. Kung gusto mong sadistahin ang dila’t bituka mo, uminom ka ng pinaghalong Dr. Pepper Diet at whiskey.

***

Hindi ko matapus-tapos ang binabasa kong Screwtape Letters ni Clive Staples Lewis. Akala ko nung una siya si C.S. Lewis na sumulat ng Chronicles of Narnia. Yun pala, siya nga talaga.

***

Inutusan akong magluto ng Lucky Me Pancit Canton pero sa halip, naghugas ako ng pinggan. Naalala ko bigla yung kaklase ko nung highschool na taga-tank saken dati sa Ragnarok Online. Kung nanganak at nag-asawa rin ba kaya agad ako, magiging magaling ba ako sa pagluluto ngayon?

***

May napanood ako kaninang video na project sa Pan Pil 17 ni Sir U. Isang MTV ng panggagagad sa “Hindi Ako Bakla” ni Michael V, pinamagatang “Sino Ba Si Bob Ong?” Dati pang sikat si BO pero bakit hindi man lang namin ‘to ginawa dati.

Written by langaw

Pebrero 2, 2009 at 7:45 Hapon

Ipinaskil sa Post-college

Minarkahan ng

Ang Panaghoy ng Isang SuperZero

mag-iwan ng puna »

Tula-tulaan sa sukat na labindalawahan

O, Diyos ko, tulungan po ninyo ako
Bigyan n’yo po ako ng sapat na lakas,
Lakas upang ako ay maging mahina
Sapagkat ako ay hindi superhero
Pinapatay ako ng idealismo

O, Diyos ko, tulungan po ninyo ako
Na tanggapin ko yaring katotohanan
Sa buhay sa daigdig ng sanlibutan
Sapagkat ako ay hindi superhero
Pinapatay ako ng idealismo

O, Diyos ko, tulungan po ninyo ako
Bigyan n’yo po ako ng sapat na lakas,
Na tanggapin ko yaring katotohanan
Sapagkat ako ay hindi superhero
Pinapatay ako ng idealismo

O, Diyos ko, tulungan po ninyo ako
Na tanggapin ko yaring katotohanan
Bigyan n’yo po ako ng sapat na lakas,
Sapagkat ako ay hindi superhero
Pinapatay ako ng idealismo

O, Diyos ko, tulungan po ninyo ako
Sapagkat ako ay hindi superhero
Pinapatay ako ng idealismo…
Sapagkat ako ay hindi superhero
Pinapatay ako ng idealismo…

Bahagi lamang ako ng nakaraan
Lilipas, maglalaho kinabukasan
Tanging panahon ang makapagsasabi
Kung kailan darating ang pagbabago
Kaya yaring puso, takpan na ng abo

O, Diyos ko, tulungan po ninyo ako
Na tanggapin ko yaring katotohanan
Na ako ay hindi isang superhero
Na magliligtas at babago sa mundo
Sa pamamagitan ng idealismo

Inspirasyong nahugot mula sa Pabula ng Gamu-gamo ni Jose Rizal

Written by langaw

Enero 30, 2009 at 10:38 Hapon

Ipinaskil sa Copyleft

Minarkahan ng

Inkheart

mag-iwan ng puna »

5/5 stars dahil kay Dustfinger. Ganda ng katawan… ang firm ng maskels (hahaha!). Hindi ko malilimutan ang pwet ni Silas sa The Vinci Code kaya naman inabangan ko ang paglitaw ng cast sa hulihan ng pelikula at nakumpirma kong siya nga yun. Si Paul Bettany nga. Ahahahaaay!

Ang alam ko lang movie adaptation sa nobela ni Cornelia Funke. Hindi ko nabasa at binasa pero kung maalala ko may kakapalan yung libro? Hindi ko naman kasi pinapansin yun sa bookstore.

Sa unang eksena, mapapanood si Mortimer a.k.a. Silvertongue (Brendan Fraser) na nagbabasa ng bedtime story sa baby nila ni Resa (hindi ko kilala kung sino artista).

Sabi ng kapatid ko, parang Bedtime Stories ni Adam Sandler.
Sabi ko naman, ay, wala pala akong sinabi.

Napapakapit ako sa upuan nung magpunta sila sa book bazaar dahil naghahanap si Mortimer ng kopya ng Inkheart. (Andaming librooo!) Tapos dahil na rin siguro isa siyang Silvertongue, naririnig niya yung bulong ng mga libro. Binabanggit ang kani-kanilang title hahaha!

Nung natagpuan niya ang librong Inkheart sa isang antique bookshop, saka lumitaw si Dustfinger at ang kanyang alagang marten na si Gwin. Pero hindi ko agad siya namukhaan dun.

Buti na lang madilim sa sinehan kasi maluha-luha ako nung niloob ng boys ni Capricorn na mukhang mga punk yung bahay ni Elinor, kapatid ni Mortimer, at pinagwawasak pagkatapos ay sinunog yung entire book collection. Tumanggi kasi si Mortimer na tulungan si Dustfinger na makabalik sa librong Inkheart. Kaya, out of desperation, hiningi niya ang tulong ni Capricorn.

Bilang silvertongue, may kakayahan si Mortimer na i-summon ang character mula sa librong binabasa niya, provided na binabasa niya ang libro outloud. Ganun ang nangyari nang basahin niya ang Inkheart sa kanyang anak nung bata pa ‘to. Lumitaw si Dustfinger, tapos si Capricorn. Pero ang kakatwa, naglaho si Resa. Pumasok daw sa libro.

Merong isa pang Silvertongue na nag-sa-stutter at hindi ko nabigyan ng kaukulang atensyon (kasi distracted ako kay Dustfinger sa pag-re-recall kung saan ko siya napanood) kung dahil sa speech defect niya kaya may mga sulat yung mukha nung boys ni Capricorn na mukhang mga punk pati na rin yung iba pang characters na ginawang alipin at creatures na nakakulong (e.g., yung buwaya na kumagat sa brasong may relos ni Captain Hook, unicorn, mga flying unggoy, etc.)

Kasama sa mga alipin sa kastilyo ni Capricorn si Resa. At may sulat din ang mukha niya.

Naaliw ako sa effect na yun. Para kang natulog nang nakasubsob sa librong binabasa mo tas nagkataong basa pa yung ink ng mga letra. Paggising mo, tadaaaaa!

Naglaho ang boses ni Resa. Pipi siya. Pero magkakilala sila ni Dustfinger. At parang may lihim na pagtingin sa kanya si Dustfinger (aaay chismax!). Habang ginagamot ni Resa ang kanyang mga kamay, napag-alaman niyang siya ang nawawalang asawa ni Mortimer. Ipinakita ni Resa ang sketch niya ng kanyang asawa at anak kay Dustfinger at na-recognize nito si Mortimer.

Si Dustfinger nga pala ay isang fire-eater. Nakakalikha siya ng apoy mula sa kanyang mga kamay. Pero hindi niya kayang i-tolerate ang apoy sa Earth kaya nung tangkain niyang sagipin yung Inkheart na hinagis ni Capricorn sa fireplace, nasunog ang balat niya.

Kapalit ng kabaitan ni Resa, pinatakas siya ni Dustfinger sa tulong ni Gwin na tinangay ang susi mula sa natutulog na Mortola na mukhang creepy old witch na nanay pala ni Capricorn. Nakakadena kasi ang paa ni Resa.

May pagka-selfish si Dustfinger at ipinakita ito sa ilang eksena sa pelikula. Pero justified naman siguro kasi gustung-gusto niya na talagang makabalik sa libro kaya gagawin niya lahat kahit pa nga magmukhang traydor siya.

Nagkakilala si Dustfinger at ang creator niya na si Fenoglio. Amazed na amazed siyempre yung author ng libro. Napanood niya si Dustfinger na nagpapalabas ng fireshow. Saka ko namukhaan si Paul Bettany, ahahahaaay!

Dun din binitawan ni Dustfinger ang makapagbagbag-damdaming:

“You are not my God!”

Si Farid (Rafi Gavron) ang sapilitang nai-summon ni Mortimer mula sa Tales of the Arabian Nights dahil gusto ni Capricorn ng salapi. Kasabay ng paglaglag ng golden coins mula sa kisame ng palasyo, nahulog din si Farid mula sa langit?

Nang lumitaw siya sa eksena, hati na sa tatlo ang atensyon ko: (1) sa plot; (2) kay Paul Bettany; at (3) sa kanya, na hawig ni Ping Medina sa pag-portray kay Teddy sa pelikula ng bandang The Dawn na “Tulad Ng Datihahaha!

Tuwang-tuwa ako nang eventually ay maging barkada sina Dustfinger at Farid. Hindi friendly si Dustfinger pero tinuruan niya si Farid na lumikha ng apoy mula sa kanyang mga kamay. Later on, sila ang magkatulong sa pagsunog sa palasyo ni Capricorn.

Mabait si Farid. Ibinigay niya ang kopya ni Capricorn ng Inkheart kay Dustfinger (na napag-iwanan ng mga kagrupo niya sa libro matapos ang heroic deed ni Meggie na anak ni Mortimer na isa rin palang Silvertongue).

Mabait si Farid. Nagpasya siyang sumama kay Dustfinger kahit kapalit nito ay hindi na niya makikitang muli si Meggie na puppy love niya. (Actually, nang nakawin niya ang Inkheart na kopya ni Capricron, kinuha niya rin ang wallet ni Mortimer na may picture ni Meggie nung bata pa ito. Hahaha!)

Mabait si Farid. Tutulungan niyang maghanap si Dustfinger ng panibagong Silvertongue na tutulong sa kanyang makabalik sa libro. Emo kasi si Dustfinger. Nang ma-reunite ang pamilya ni Mortimer at bumalik ang boses ni Resa, inisip niya na hindi na siya tutulungan ni Mortimer na makabalik sa libro.

Pero dahil bida si Mortimer, tinupad niya ang pangako niya kay Dustfinger. Pero bago niya basahin ang libro, tinanong niya si Dustfinger kung “sure ka na ba?” Natuklasan kasi ni Dustfinger na mamamatay siya sa ending dahil nabanggit ni Fenoglio nang magtagpo sila before. Pero miss na miss na ni Dustfinger ang asawa niya, kaya sabi niya, “sure na.”

Again, mabait si Farid. Nasa kanya ang backpack at si Gwin nang maglaho si Dustfinger. Aniya, baka sakaling magbago ang kapalaran ni Dustfinger dahil bumalik siya na mag-isa, hindi kasama si Gwin.

Dahil mabait si Farid, inampon siya ni Mortimer. Hahaha!

Nagwakas ang pelikula sa eksenang talahiban starring Paul Bettany with a couple of butterflies. Ahahahaaay!

 

Isinapelikulang libro tungkol, dahil, at para sa mga libro.

Sabi ng isang mambabasa,

“Everything that happens, happens to books, because of books, or by means of books.”

DEYM I SHOULD HAVE READ THE BOOK!

Written by langaw

Enero 24, 2009 at 8:38 Hapon

Ipinaskil sa Post-college

Minarkahan ng

Saklolo! Tulo(n)g!

mag-iwan ng puna »

Kung anong hirap bumangon sa umaga este tanghali, dobleng hirap naman matulog sa gabi este madaling araw.

Ilang araw nang ganito na dire-diretso hindi tulad nung isang taon, sa nagdaang buwan ng Disyembre. Bad trip! Minsan napapaisip tuloy ako kung kailangan ko na uminom ng gamot.

Nung isang araw, sumakit ang ulo ko. Sa tindi ng sakit, kinailangan kong idaan sa isang tableta ng Paracetamol. Gumaan ang pakiramdam ko at makalipas ang ilang oras, nakatulog ako. Nakatulog ako at hindi sapilitan! Tapos paggising ko kinaumagahan este kinatanghalian, andami kong naging panaginip. Sari-sari. Pero hindi ko na maalala pagkabangon ko sa kama.

Pag sumapit na sa taning na alas dos ng umaga ang oras, itutulak ko na ang sarili ko na humiga sa kama pagkatapos ay ipipikit ang mga mata nang napakahigpit. Pakapipiliting matulog, makatulog. Struggle kung struggle. Pabali-balikwas ako sa kama.

Kinaumagahan, pagtingin sa orasan, tanghali na. Naglaho na naman ang kalahating araw. Pagkakain, maliligo, tapos gabi na uli. Maya-maya oras na naman ng pagtulog.

Ayoko na matulog. I mean, ayoko matulog sa oras ng pagtulog. Bakit ba? Ako ay isang nocturnal. Maliksi ang utak ko pagsapit ng dilim. Nakikipaghabulan ako sa sariling imahinasyon sa sandaling patay na ang ilaw. Hindi magkandatuto. Andaming magagandang idea. Kaya kayhirap matulog, makatulog.

At kayhirap din bumangon dahil alam kong napakaraming bagay ang pinakawalan ko nang piliin kong matulog nang sapilitan.

Sabi ni Marisol,

“I want to do everything… Why not? Sleep less.”

Written by langaw

Enero 9, 2009 at 4:45 Hapon

Ipinaskil sa Post-college

Minarkahan ng