L A N G A W

Don't judge a shit by the flies that hover around it.

Posts Tagged ‘alaala

Liham

walang mga puna

Ako’y hindi totoong magiging bato
Lalo’t kung Kamataya’y ako’y laging talo.

Para kay Kris A.:

Kalakip nito ang kopya ng kanta ng isa sa mga paborito kong banda, ang Death Cab for Cutie. Gusto ko sanang iparinig sa iyo ang liriks ng kantang ito dahil nababagay ito sa kasalukuyang kalagayan mo, sampu ng iyong naulilang pamilya.

Alam mo, pareho tayo kaya alam ko ang nararamdaman mo. Masakit mawalan ng magulang, lalo na’t karamdaman ang nagwagi sa laban. Pero ang kaibhan lang natin, ikaw, naging mabuti kang anak. Nasa tabi ka niya hanggang sa katapusan. Ako, hindi. Dalawang beses akong nahuli ng dating. Sa kanilang dalawa, kay Mommy ako higit na nasaktan. Higit apat na taon na ang nakararaan mula nang siya’y mamatay. Hanggang sa pagkamatay ni Daddy nitong ika-27 ng Hulyo, ipinagluluksa ko pa rin ang kanyang kamatayan.

Kaya nga nang mabalitaan ko noong ika-28 ng Hulyo (Pacific time) na namatay si Daddy, hindi ako labis na nalungkot. Oo, umiyak ako. Pero habang umiiyak ako, masaya ako. Kasi, alam mo ba, ang nasa isip ko, magkakasama na ulit sila ni Mommy. Pati na rin ni Ate Lissa at ni Auntie. Tsaka pala nina Tita Dor at Ate Dahls.

Nang dumating ako sa burol ni Daddy noong ika-31 ng Hulyo, hindi ako umiyak o napaiyak. Kalmado ako sa buong magdamag sa huling lamay hanggang sa libing kinaumagahan. Agad kong natanggap ang pagkamatay niya. Madali kong natanggap dahil nakapagpaalam ako sa kanya noong nakaraang taon bago ako lumipad. Hindi kay Mommy, na may anim na taon kong hindi man lang nadalaw o naisip dalawin, kaya ganon na lamang katindi ang pagdadalamhati ko nang dumating ako kung kailan wala na siya. Guilt-ridden talaga.

Kung ako sa’yo, ipagpasalamat mo na lamang na natapos na ang paghihirap ng Mom mo. Tsaka, gaya nga ng sinabi ko, naging mabuti kang anak dahil binantayan at inalagaan mo siya hanggang sa huli. Iyang bagay na yan ay dapat mong ipagpasalamat. Kung maibabalik ko nga lang ang panahon, e di sana naging mabuti rin akong anak tulad mo. Sana hindi ko sinayang ang pagkakataon na maipadama sa kanila ang pagmamahal sa pamamagitan ng paglingap. Sana nabantayan ko rin sila. At sana hindi ako nasasaktan ngayon sa tuwing maririnig ko ang huling linya sa huling stanza ng kantang, What Sarah Said: “…that love is watching someone die.”

Di tulad mo, di ko nagawang mahawakan man lang ang kamay o mayakap ang isa sa kanila sa huling pagkakataon na humihinga pa sila. Nasilip lang pero ang masaklap, sa ibabaw na ng de-salaming kahon.

Kaya maswerte ka. Kainis!

Karamay sa pighati,
Ako lamang

P.S. Hindi ko mai-attach ang audio file. Maaari bang paki-google mo na lamang ang kanta? Mayroon sa YouTube bagamat hindi iyon official music video.

***

Napansin ko lang, isa-isa na akong iniiwan ng mga mahal ko sa buhay. Pero carry lang. Ika nga ni Lord Alfred Tennyson, ’tis better to have loved and lost than to have never loved at all.

Written by langaw

Agosto 25, 2009 at 10:25 Umaga

Ipinaskil sa Scratch Paper

Minarkahan ng , ,

Daddy

walang mga puna

Habang ang buong sambayanang Pilipino ay nakikiramay kay Kris Aquino sa pagkamatay ng kanyang ina, ang dating Pangulong Corazon Aquino, noong ika-1 ng Agosto, tahimik akong nagpaalam kay Daddy sa kanyang libing nang araw ding ‘yon sa Bicol Memorial Park.

Hindi tulad ng burol at libing ni Mommy halos limang taon na ang nakararaan, kalmado at panatag ang loob ko nang dumating ako sa Bogtong. Sa katunayan, napagmasdan kong maigi ang mukha ni Daddy sa ilalim ng salamin at napansin ko pa ang namumutlang halos naninilaw na at halos buto nang braso niya. Anlaki ng ipinayat ni Daddy mula nang huli ko siyang makita noong Mayo ng nakaraang taon bago ako lumipad pa-Amerika.

Iyon na marahil ang dahilan kung bakit madali kong natanggap ang pagkamatay ni Daddy. Nabisita ko pa siya. Hindi tulad kay Mommy noon na abut-abot ang pagsisisi ko nang datnan ko siya na nasa kabaong na. Kaya nga hanggang ngayon, ipinagluluksa ko pa rin siya. Hindi ko pa rin matanggap at sa isip ko’y nasa akin ang pagkukulang kaya marapat lang na pagbayaran ko ang aking kapabayaan at pagkalimot ng kung ilang taong pagdurusa dulot ng matinding pangungulila at guilt.

Written by langaw

Agosto 7, 2009 at 1:01 Hapon

Ipinaskil sa Post-college

Minarkahan ng

Mommy

walang mga puna

Antok na antok na ako.

Idadaan ko na lang sa (ating) kanta…

 

Meet You There” by Simple Plan

Now you’re gone,
I wonder why
You left me here,
I think about it on, and on,
and on, and on, and on, again.
I know you’re never coming back,
I hope that you can hear me,
I’m waiting to hear from you..

Until i do,
You’re gone away,
I’m left alone,
A part of me is gone,
And I’m not moving on,

So wait for me,
I know the day will come..

I’ll meet you there,
No matter where life takes me to,
I’ll meet you there,
And even if I need you here,
I’ll meet you there.

I wish I could have told you,
The things I kept inside,
But now I guess its just too late.
So many things remind me of you,
I hope that you can hear me,
I miss you,
This is goodbye,
One last time..

You’re gone away,
I’m left alone,
A part of me is gone,
And I’m not moving on,
So wait for me,
I know the day will come..

I’ll meet you there,
No matter where life takes me to,
I’ll meet you there,
And even if I need you here,
I’ll meet you there,
No matter where life takes me to,
I’ll meet you there,
And even if I need you here,
I’ll meet you there.

I’ll meet you there….

And where I go you’ll be there with me,
Forever you’ll be right here with me..

I’ll meet you there,
No matter where life takes me to,
I’ll meet you there,
And even if I need you here,
I’ll meet you there,
No matter where life takes me..
I’ll meet you there,
And even if I need you..
I’ll meet you there…

I’ll meet you there…
I’ll meet you there..

Apat na taon na.

Hindi ako gumawa ng pangako. Pero hanggang ngayon, patuloy na nagluluksa (dahil hanggang ngayon, guilty pa RIN ako). Kaya tuwing sasapit ang bisperas ng Nobyembre, ginugunita ko ang iyong anibersaryo.

Wala akong kandilang maititirik ni bulaklak na maiaalay. Hindi kita madadalaw. Pero gusto kong malaman mo na buhay na buhay ka sa aking alaala.

Maisip lang kita, nawawala ako sa sarili ko. Kaya kahit antok, pagod, gutom, o sakit nababalewala. Yun nga lang, kapalit nito ang isang tabo ng pinigang t-shirt/pillowcase/bedsheet na may kasama pang uhog.

Sa’yo, nagiging posible ang malunod sa pangungulila. Hindi ko na kailangang magbasa ng nobela o manood ng pelikulang pandrama. Kahit nga pagtigil ng oras, posible rin.

Taong 2004. Isang taon pagkatapos kong mamemorya ang liriks ng kanta, na halos pagsawaan ko na dahil naging corny na ang pop-punk na genre, saka ka naman nawala.

Apat na taon na.

May talab pa rin. Itong kanta. At ang iyong alaala.

 

Thoughtful Flies: “Mapalad ang mga ipinanganak na dalawa ang ina.”

 

Written by langaw

Oktubre 31, 2008 at 11:31 Hapon

Ipinaskil sa Tissue Paper

Minarkahan ng ,

Unan

walang mga puna

Unang regalo.

Unang laruan.

Unang libro.

Unang haircut.

Unang enrollment.

Unang kaibigan.

Unang Christmas exchange gift.

Unang rock concert.

Unang absent sa klase.

Unang pantalon.

Unang alak.

Pers lab?

Unang field trip.

Unang barkada.

Unang cutting-class.

Unang gabi sa UP Fair.

Unang sweldo.

At nasundan nang nasundan nang nasundan nang nasundan…

Hanggang sa tuluyan nang nakalimutan ang mga unang ganito’t ganon

Mayroon na lamang unan.

Written by langaw

Oktubre 23, 2008 at 1:16 Hapon

Ipinaskil sa Scratch Paper

Minarkahan ng

Binyag

walang mga puna

Totoo pala yung kasabihang, “Life is full of surprises.”

Nadidiyahe talaga ako noon sa mga mababait kong kaibigan pag nagyayaya akong makipag-inuman. (Isa lang sa kanila ang umiinom. At nagkataon pang matinik sa inuman, hahaha!) Ang pangit kasi ng dating. Bad example. Ganon kasi tingin ko dati sa mga umiinom. Siyempre, hindi ko naman inakala na magkakaganon din pala ako balang araw.

Sa ngalan ng pakikisama nabibinyagan ang tao.

Hindi mo gusto pero sige na nga. Ramdam mo ang pressure kaya hindi madaling tumanggi.

I dare you.

Summer 2005. Bininyagan ako.

  1. Kamikaze
  2. Frozen Blue Margarita
  3. Long island ice tea
  4. Screw driver
  5. Bailey’s

Iba na talaga pag family pressure. Hehehehe.

Malapit na kasi ang Oktoberfest. Gusto ko ng opisyal na binyag.

Kaso, beer?!?

Written by langaw

Agosto 23, 2008 at 9:03 Hapon

Ipinaskil sa Post-college

Minarkahan ng , ,