L A N G A W

Don't judge a shit by the flies that hover around it.

Posts Tagged ‘angst

Intensive Care Unit

walang mga puna

Lilipad na naman ako bukas ng gabi. Balik DC ng tatlong linggo.

May task na kailangang tuparin. Gaya ng housemates sa Pinoy Big Brother, kailangan ko ring patunayan ang aking pagkamasunurin sa The Big Bully.

Ang buhay ko ngayon ay parang isang pingpong.

Wala akong dapat ikwento sa mga sandaling ito, dahil palagay ko’y, ito na ang tinatawag kong “The Great Perhaps.

Kung gusto mo ng mga kwento, lumipat ka sa kwento ng iska.

Narating ko na ang pinakatampok na yugto ng aking buhay. Hindi ko ito dapat pakawalan sa pagtipa ko ng mga letra sa keyboard. Ang ganitong bagay ay dapat sinasarili na lamang.

Kung hindi mo masundan ang sinasabi ko, huwag kang mag-alala. Siguro’y hindi mo pa napanood ang Into The Wild. Siguro’y hindi mo ito pinanood pagkatapos ng iyong university graduation. At siguradong hindi ka katulad ko na parang sponge. 

Mabuti siguro para sa iyo kung wala ka nang malaman pa tungkol sa huling pangungusap na nabanggit.

Katulad ng matagal ko nang binabanggit, hindi ako nanlilimos ng awa.

Bukas ng gabi ang flight ko at hindi pa ako nag-iimpake. Di pa rin tiyak kung may susundo sa akin pagdating sa DC.

Sana ay hindi ako matakot sa posibilidad ng bloopers. Dahil ika nga ni Jun Cruz Reyes, “Walang masamang karanasan sa isang artist.”

Sana ay makakita ako ng kasiyahan sa katangahan. After all, “Ignorance is bliss.”

Written by langaw

Hulyo 27, 2008 at 1:45 Hapon

Ipinaskil sa Post-college

Minarkahan ng , , ,

Bangin

walang mga puna

Ako’y nabighani nang una kong madungaw ang tanawin sa bangin.

Noon kasi’y takot akong silipin ang bangin. Pero ngayon, sa tuwing may pagkakataon, ginugugol ko ang aking oras para malasin ang tanawin sa bangin.

Sa tindi nga ng pagkahumaling ko’y ilang beses din akong nagtangkang puntahan mismo ang namalas kong tanawin sa bangin.

Kaya lamang, ayaw akong payagan.

Ako’y pinipigilan.

Mahal ko sila pero ano ba naman ang isang sandali ng pagbibigay-ligaya sa sarili?

Sabi nila’y hindi na raw ako babalik.

Wala nang maghuhugas ng pinggan at bibili ng Krispy Kreme.

Hinahanapan pa ako ng waiver at insurance.

Isama ko raw sila.

Nalungkot ako.

Kaya isang gabi tumakas ako para hanapin ang shortcut papunta sa bangin.

Payapa ang gabi.

Pinasok ko ang gubat.

Tanging ang bilog na buwan ang aking gabay sa kasukalan.

Natunton ko ang shortcut sa bangin.

Pagtalon ko nakita ko ang Bunyip sa mga ulap.

Nakipagtitigan ako sa kanya at bigla siyang ngumiti.

Saka niya inangat ang hawak na bote ng Kristov habang ako’y unti-unting nilalamon ng dilim at nalalaglag sa bangin.

“So what’s the vodka for?

“For the soul. If it’s hurting real bad.

(p.370, Nightwatch by Sergei Lukyanenko)

Written by langaw

Pebrero 20, 2008 at 10:39 Hapon

Ipinaskil sa Scratch Paper

Minarkahan ng ,