L A N G A W

Don't judge a shit by the flies that hover around it.

Posts Tagged ‘estudyante blues

Sur(e)name

walang mga puna

Fourth year highschool nang mapasama ako sa isang Science camp sa Laguna. May mga contest kasi. Isasali raw ako sa Essay Writing. Mayroon ding Extemporaneous Speaking contest. Aywan ko ba kung bakit tinawag iyong camp. Samantalang hindi naman kami nagtayo ng tent at gumawa ng bonfire. Pagkatapos, sa loob pa kami ng isang iskwelahan tumigil nang tatlong araw. Higit sa lahat, Beauty Pageant ang highlight ng camp. Pero kahit napraning ako sa konsepto nila ng camp, sinuwerte naman ang aming school dahil nanalong fourth runner up ‘yung muse at escort namin. Tsaka naka-first place pa ‘yung escort namin na sumali sa extempo at sa awa rin ng siguro’y inaantok nang hurado, ako sa essay.

Makalipas ang ilang araw, may isinabit na streamer sa kaliwang bahagi ng higanteng gate ng aming school. Ang balita ko’y pagpupugay daw sa mga nanalo sa Science camp. Kakabog-kabog ang dibdib ko kasi siyempre kasama ako sa mga nanalo, kahit pa nga sabihin ng ibang tsamba lang. E dati ko pang pangarap na makita ang ngalan ko sa streamer. Pagkatapos napagbigyan naman ng tadhana. Sino ba namang hindi masasabik sa balita? Pero hindi ko muna sinilip ang banner. Hinintay ko mag-sabado para mas matitigan ko nang matagal ang natupad kong pinakaaasam-asam na pangalan kong nakasulat nang malaki sa streamer.

Sabado. Dumaan ako sa iskwelahan at tumigil sa harap ng higanteng gate. Nakita ko ang ka-pangalan ko na unang nakatala sa mga mas maliliit na pangalan sa ibaba ng higanteng ngalan ng aming Muse at Escort. First placer din siya sa Essay Writing.

Si Viola Flores.

Buti pa siya. Akala ko pa nama’y natupad na ang aking pangarap.

***

Nang tumuntong ako nang first year sa kolehiyo, isa sa pinakaunang requirement ang magpagawa ng ID, na sa ikalawang linggo ng unang buwan ng pasukan mo makukuha. Hindi man lang sumagi sa aking isip na sa lawak ng mundo at sa laki ng populasyon ng aking iskwelahan ay (im)posibleng may carbon-copy ang mukha ko.

Aaminin ko ngayon na ninakaw ko ang kanyang pagkatao sa loob ng isang semestre. Labas-masok ako sa mga library gamit ang kanyang ID. Pero may kasabihan nga tayo na walang sikretong hindi nabubunyag. Kaya nang kukunin ko na ang classcard ko sa English I, napilitan akong gamitin ang aking amateur talent sa pagsisinungaling na pinunan ko na lamang ng pa-innocent-look epek. Nakalusot naman ako pero mula noon ay tinabi ko na sa aking drawer ang ID ni Viola Fillores at nagpasyang tubusin sa OUR. ang tunay kong ID.

Sa mga nakakikilala sa kanya, mangyari lamang na ipagbigay-alam ninyo sa akin sa lalong madaling panahon nang maisauli ko na ang matagal nang nawawalang ID ni Viola Fillores.

***

Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng bara sa aking lalamunan sa tuwing naaalala ko ang titser ko sa highschool sa English I. Mutual ang aming naging pakiramdam para sa isa’t isa. Hinahanap niya sa akin ang hindi ko naman kilala at ang maririnig naman niyang napipilitang magrecite sa kanya ay hindi niya kilala. Pero kahit ipinasa naman niya ako nang matapos ang taon, hindi pa rin ako mapalagay sa taong pinagpipilitan niyang makita sa akin.

Sino ba si Feriols?

Sino ba ang Miss Feriols na pinag-rerecite niya?

Sino ba ‘yun?

Written by langaw

Hulyo 17, 2008 at 4:52 Hapon

Ipinaskil sa Scratch Paper

Minarkahan ng , ,

Edekesyen

walang mga puna

Eke nge ne Jeje Bey ng Etes Ng Here ne Jen Crez Reyes, “Inyo na ang diploma. Akin ang karanasan.”

Eneng pe ewter, “Walang masamang karanasan sa isang artist.”

Tetleng begey leng ne megsesemmereze se behey keleheye ke —

Three L’s kembege : Lebre, Lekweche, Leklek

Dehel eng keleheye ey eseng meleke’t melewek ne lebereterye keng seen eke ey ese se mge “guinea pig” ne esene-elelem se sere-sereng pegsebek et pegseselet se mge semesened ne ketegerye — entelektwel, merel, emesyenel, et esperetwel.

Seneket eng level ng ekeng petensyel se pememegeten ng “induced” stress se mge nebengget ne ketegerye et eng ekeng “output” ey weleng ebe kende eng keleksyen ng ekeng mge ne-e-tele se mge nelekheng bleg ne neglelemen ng ekeng mge reeksyen se mge ”induced stress” se leeb ng epet ne te-en.

Nekeketewe neng mele keng beneleken et benese eng ekeng mge tele et nepensen keng nepekenegetebe ng reselte se eken ng eksperementel stedy.

Gelet, peet, seklem, delemhete, peghete, heneneket, pegderese, kepeseken… mge deweng pe-elet-elet ne nelelemen ng ekeng mge bleg entry.

Pere ngeyen, belewele ne eng lehet neng te dehel se wekes ey tepes ne.

Sebe nge ne Hemer ng The Sempsen’s “Wohoo!”

Et ng bek 2 se Mexemem Rede trelegy ne Jemes Pettersen, “School’s Out Forever

Gedbey essegnments, gedbey exems, gedbey quezzes, gedbey pletes, gedbey reperts

Gedbey teechers, gedbey gerds, gedbey jeneters, gedbey clessmetes

Gedbey bleckbeerds, gedbey chelks, gedbey ecetetes, gedbey pewerpeents

Gedbey lepes, gedbey belpen, gedbey netbeks, gedbey yellewpepers, gedbey blebeks

Gedbey regestrer, gedbey lebrery, gedbey centeen, gedbey klesrems

PEELEM PERMEL KENG EDEKESYEN

Tepes ne eng mehebeng penehen ng ekperementesyen

Eplekesyen ne

Sebe nge se lereke ng eseng ewet: “I decided long ago never to walk in anyone’s shadows

Ekey feyn e’ll be Peter Pen.

Pere bege eng lehet,

HELLE SEMMER BEKESYEN!

Written by langaw

Abril 29, 2008 at 10:55 Hapon

Ipinaskil sa Bluebook

Minarkahan ng ,

Mababang Paaralan ng Sta. Monica

walang mga puna

Nung grade one,
bakit binubully ang transferee?
bakit bawal tumayo sa loob ng classroom?
bakit nililista pag nagsalita?
bakit pinarurusahan ang mga di marunong bumasa?

Nung grade two,
bakit may plus ang bumibili ng ice candy?
bakit tumitingin sa kisame pag nagrerecite?
bakit iniiwan ang tsinelas pag nasa loob ng classroom?
bakit nagtatago sa banyo pag may nanlilimos?

Nung grade three,
bakit kumakanta sa tanghali?
bakit may ‘Mabuhay’ pag binabati ang mga maestra?
bakit sinasara ang gate pag recess?
bakit inihihiwalay ng upuan ang maingay?

Nung grade four,
bakit bawal maglaro sa tanghali?
bakit pinagkakaisahan ang transferee?
bakit nililista ang mga hindi naglilinis?
bakit may naiwang hindi nakapagcommunion?

Nung grade five,
bakit inanay ang mga libro sa library?
bakit nagpaproject ng halaman?
bakit nagdodonate ng paso?
bakit binabarbecue ang mga tuyong dahon?

Nung grade six,
bakit may binatilyo sa principal’s office?
bakit malaki ang tiyan ng dyanitor?
bakit sarado ang clinic?
bakit green revolution ang tema ng valedictory speech?

Written by langaw

Hunyo 1, 2005 at 11:46 Umaga

Ipinaskil sa Scratch Paper

Minarkahan ng