L A N G A W

Don't judge a shit by the flies that hover around it.

Posts Tagged ‘lakwatsa

Basta Driver, Sweet November

walang mga puna

Maaga akong gumising dahil kinakailangan kong pumunta sa opisina para ayusin ang pagproseso sa aking lisensya.

Hindi ako mapakali dahil hindi ko gusto ang naghihintay at pinaghihintay. Makailang beses kong sinusubukang tawagan ang kapatid ko subalit hindi sinasagot. Tulog pa rin siguro. Baka nakalimutan na naman. Malamang mamaya pa yun magigising.

Siguro. Baka. Malamang.

Sigurado ako sa mga alinlangan ko sa kanya. Dalawang beses na niya akong sinubukan. Pinaghintay at pinaasa. Pinaglakad sa maginaw at maulang gabi sa kahabaan ng daang walang ilaw. Dalawang beses. Hindi na ako magtataka kung matatatluhan ako ngayon.

Para palipasin ang araw at isaisantabi ang pag-iisip, binuklat ko ang Crank. Nakailang pahina rin ako subalit hindi ko magawang makapag-pokus dahil naririnig ko ang kamay ng segundo sa aking relos.

Sa wakas tumawag din siya ng bandang alas onse, pagkatapos ng halos dalawang oras ng aking pagpapanic. Ala una raw siya darating.

Matagal ang paghihintay lalo na kung mahaba ang pila. Doble ang ramdam na kasabikan o pag-aalala o pagkabugnot.

Sa labas ng opisina, nagsimulang lumakas ang buhos ng ulan. Gumapang ang oras. Hanggang sa dumating ang aking pagkakataon. Hindi naging madali at mabilis ang tagumpay na inaasam/inaasahan. Subalit paglabas namin, hindi ko inalintana ang buhos ng ulan.

Dumiretso kami sa Olive Garden. Pagkatapos sa NEX. Pagkatapos nag-drive thru sa Starbucks para sa isang baso ng peppermint mocha. Pagkatapos, sa Kohl’s. Pagkatapos, umuwi na.

Napakahaba ng araw. Ayoko pa sanang tapusin subalit napagod ako at sa loob lamang ng ilang minuto ng pagpapatugtog, ako ay agad nakatulog.

Mahimbing.

Written by langaw

Nobyembre 29, 2008 at 4:33 Hapon

Ipinaskil sa Post-college

Minarkahan ng , ,

Black Friday

walang mga puna

Madaling araw ako gumising. Mga apat na oras lang ata ang itinulog ko dahil sabik ako sa aking unang Black Friday.

 

Black Friday kasi madaling araw ng Biyernes nagbubukas na ang mga tindahan para sa Thanksgiving Holiday Sale.

 

7:30 kami umalis ng bahay.

 

Una kaming nagpunta sa Marsyville kung saan naroroon ang outlet ng mga branded dry goods. Di ako mahilig sa tatak; bukod sa mahal, hindi ko naman trip ang style. Pero nakabili ako ng wallet dahil sa buong buhay ko hindi pa ako gumamit ng wallet. Marami akong wallet pero hindi ako gumagamit ng wallet. Laging nasa bulsa lang ang pera ko o kaya ID o susi o barya. Ngayon pa lang, hopefully. Bumili rin ako ng turtleneck short- and longsleeves. Pagkatapos, nagpunta kami sa Alderwood Mall para sa Forever 21. Bumili ako ng longsleeves at jacket. Nakabili rin ako ng tatlong paperback sa Borders bago kami umalis. Yung mga nasa wishlist ko. Tapos balik sa Marysville para mag-lunch sa McDo. Ayoko mag-buffet sa Casino dahil marami pang tirang pagkain nung Thanksgiving sa bahay. Tsaka hinahabol ko ang opisina bago magsara ng alas singko. Pero nung tumawag ako habang nag-oorder ang kapatid ko ng nuggets at burger, nalamang kong sarado rin pala ang opisina. Extended holiday. Pagkatapos naming kumain, nag-grocery kami sa Wal-Mart. Mga alas kuwatro kami natapos. Dahil maaga pa, bagamat madilim na sa labas, dumaan muna kami sa Burlington. Nakabili ako ng maong at corduroy sa Cascade Mall. Pagkatapos, dumiretso kami sa Target at bumili ng bagong chuck’s ang kapatid ko. Napabili rin ako ng isang hardbound na libro. Nakauwi kami bandang 7:30 ng gabi.

 

Halos 12 oras kami sa labas.

 

At the end of the day, I spent about $500. Ubos ang savings!

Written by langaw

Nobyembre 28, 2008 at 10:22 Hapon

Ipinaskil sa Post-college

Minarkahan ng , ,

Hell-o-ween

walang mga puna

Akala ko pupunta ng “party”. Yun pala, sa Bellevue Arts Museum. Para masulit ang $9 na fee, nakitikim na rin ako ng Steak House. Habang umiinom nang nakatindig (wala ring mesa), may musikerong sintonado na nagpi-piano tapos naggigitara.

Napakaboring.

Para magpalipas ng oras para sa hinihintay na “Happy Hour”, umakyat kami sa nag-iisang bar na may bilyaran sa Lincoln Square. Pero siyempre kupal ang mga bantay kaya hindi ako pinapasok. Porke mas malaki at mas matangkad sila akin. Porke mukha akong inosente. Porke naka-costume ako. Porke BROWN ako. E di napahiya ako. Kasi nagmukha akong tanga. E di galit na galit ako. Kasi pinagmukha akong tanga.

Dahil hindi naman ako pwedeng iwanan ng mga kasama ko sa labas, nagpasya kaming dumiretso na sa chibugan kahit hindi pa “Happy Hour”.

Kumain kami.

Wala naman palang “Happy Hour.”

Pagkatapos, umuwi na kami.

Pagdating ko sa bahay, na-realize ko napakawalang-kwenta ng celebration. Parang magpapasko kung makapaghanda ang mga tao. May mga last-minute shopping pang nalalaman para sa kani-kanilang costume. Pero pagsapit ng Halloween, wala naman yung “spirit”.

Boring.

Corny.

Pangit.

Baduy.

Written by langaw

Nobyembre 1, 2008 at 11:35 Hapon

Ipinaskil sa Post-college

Minarkahan ng , ,

Alagad ni Sherlock

walang mga puna

perstaym ko sa Mayrics
perstaym ko sa isang bar
perstaym ko dumalo sa isang Album Launching
perstaym kong dumayo nang malayong lakwatsa

Ang Kiko Machine ay sina :
JP, Bheng (vocalists)
Billy, Manix (guitarists)
Jeff (drummer)
AT Spider-Dan (bassist)

Mga gradweyt ng Peyups
Kolehiyo ng FA

Madilim, mainit
masikip, mausok
ang Mayrics

Pero tanggal lahat ng hassle
nang simulan na ang tugtugan

Orestes – may fafavol tambolista at hawig ng vocalist ang sa vocalist ng Mojofly

Stonefree – Miro the Alex Band & the freezing-cold voice

Calorie – may bokalistang dambuhalang Ali

Matilda – still the impressive ‘Iyak Ni Maria’

Si Ely kasama si Misis, hindi nakapagtugtog

Nawawala ang drummer ng Mongols-turned-Pupil

Alas tres nang umaga
nang simulan ang lamay
sa kanlungan, ang higanteng bubuyog
nang biglang sa kawalan
sumulpot ang isang
bumbilya:

Manix Abrera, ngalan ng isa sa mga gitarista ng Kiko Machine

Una kong nabasa ang kanyang ngalan sa 24/7, literary folio ng Diliman:

Manuel “Manix” Abrera, komikero ng Philippine Daily Inquirer, VisComm graduate, dating graphics editor ng Kule.

Jess Abrera, ngalan ng kartunista ng libro namin sa CWTS, ang Back To The Basics ni Oliver Tuazon.

Ang aking teorya, sila’y magkapamilya.

Narito ang aking iba pang nakalap na impormasyon:

Bheng, ang paborito kong Kiko:

Benrey “Bheng” Densing, isa sa mga artist ng Pulp magazine.

Para sa iba pang impormasyon na out-of-Kiko (para sa kaalaman ni Colin):

Michael Francis “Mykel” Andrada, isang kilalang propesor sa Departamento ng Filipino, isa palang bandista – bokalista ng Baklas.

Kendrick “Kenikenken” Bautista, ang maylikha kay Felenina Lacaba alyas “Leni Bedspacer”, ay isa pa ring bandista – rhythm guitars sa Lady Bedspacers.

Written by langaw

Agosto 7, 2005 at 8:17 Hapon

Ipinaskil sa Bluebook

Minarkahan ng ,