L A N G A W

Don't judge a shit by the flies that hover around it.

Posts Tagged ‘musika

Routine 101

walang mga puna

Nagising ako sa silahis ng araw. Napasobra ang adjust ko ng blinds ng bintana kagabi. Nakabubulag na liwanag ang tumambad sa aking balintataw mula sa pagkakatalukbong ko ng mala-carpet na kumot sa kapal at bigat. Parang summer ang pagkaliwanag. Nakakapanibago. Kung anong kulimlim kahapon, siyang liwanag naman ngayon. Parang pang-asar lang kahapon sa Drive Test! Paghagilap ko ng cellphone mula sa headboard ng kama, tiningnan ko ang oras. 7:40 ng umaga. Nagtaklob uli ako ng kumot. Wala akong lakad ngayon kaya balik sa dating gawi.

Routine 101.

Sa pagitan ng 11 at 12 ng tanghali ako bumabangon. Pagkatapos, maliligo. Pagkatapos, kakain. Brunch. Pagkatapos, magtu-toothbrush at magsusuklay. Pagkatapos, babalik sa kwarto para mag-soundtrip sa iTunes o kaya magbasa ng e-book o kaya magkalkal ng files. Kahit ano lang basta dapat bukas ang laptop. Pagdating ng hapon, saka ako lilipat sa kabilang kwarto, sa computer room, para mag-online. Tapos, dire-diretso na hanggang gabi. Madalas, may interapsyon sa tuwing tatawagin para maghapunan. Pero pagkatapos, balik uli. Pag sumakit na ang batok sa ngalay, saka babalik sa kwarto at pipilitin matulog. Magpapabali-baliktad sa kama hanggang mahilo o kaya mag-iisip ng kung anu-ano hanggang mapagod at tuluyang makatulog.

Repeat again tomorrow.

And the cycle continues.

On and on and on and on….

Forever and ever

Amen.

 

 

**********

Current Playlist: Rated VVV (for Violence*, Vice**, and Vision***)

  1. Don’t Hate Me – Rufio **
  2. I Dare You To Move – Switchfoot ***
  3. One Trillion Dollar$ – Anti-Flag *
  4. On Fire – Switchfoot **
  5. Pieces – Sum 41 ***
  6. Slow Motion – Third Eye Blind *
  7. Who’s To Say – Vanessa Carlton ***
  8. Badfish – Sublime **
  9. Let That Be Enough – Switchfoot ***
  10. When It Rains – Paramore **

Written by langaw

Nobyembre 26, 2008 at 1:08 Hapon

Ipinaskil sa Post-college

Minarkahan ng ,

Musikahan

walang mga puna

Brownman Revival
Kamukha niya talaga yung kapatid ni Bad Boy!
Hindi na naman ako mapakali
Kelangan kong makabili ng album nila
Pero dapat makita ko sila!
Hindi ko pa rin nabili ang
Three Cheers for Sweet Revenge
Pero natagpuan ko na ang Tower Records
Sa spinal cord ng National Bookstore
Kase may maitim akong plano
Pipiratahin ko na lang ang mga kanta nila
Tutal e
Poreynjer sila
Kaya ang sinunggaban ko
Halina sa Parokya
Iba ang gayuma ng Kikomachine
Nalibot ko ang mga magazine stand
Para magrecover ng back issue ng Pulp
Kase na-feature na dati sila
Taong 2004 yata yon
Kaso wala akong nahanap
Kaya pinagtiyagaan ko na lang
3 for 100 ng Filbar’s
Sugarfree, Stonefree, at Imago
Meron ding Purplechickens at Marty Mcfly
Gusto ko rin makilala sana
Ang Falstaff Hero
Nananawagan ako sa nakakaalam…

Written by langaw

Agosto 14, 2005 at 6:30 Hapon

Ipinaskil sa Bluebook

Minarkahan ng

Alagad ni Sherlock

walang mga puna

perstaym ko sa Mayrics
perstaym ko sa isang bar
perstaym ko dumalo sa isang Album Launching
perstaym kong dumayo nang malayong lakwatsa

Ang Kiko Machine ay sina :
JP, Bheng (vocalists)
Billy, Manix (guitarists)
Jeff (drummer)
AT Spider-Dan (bassist)

Mga gradweyt ng Peyups
Kolehiyo ng FA

Madilim, mainit
masikip, mausok
ang Mayrics

Pero tanggal lahat ng hassle
nang simulan na ang tugtugan

Orestes – may fafavol tambolista at hawig ng vocalist ang sa vocalist ng Mojofly

Stonefree – Miro the Alex Band & the freezing-cold voice

Calorie – may bokalistang dambuhalang Ali

Matilda – still the impressive ‘Iyak Ni Maria’

Si Ely kasama si Misis, hindi nakapagtugtog

Nawawala ang drummer ng Mongols-turned-Pupil

Alas tres nang umaga
nang simulan ang lamay
sa kanlungan, ang higanteng bubuyog
nang biglang sa kawalan
sumulpot ang isang
bumbilya:

Manix Abrera, ngalan ng isa sa mga gitarista ng Kiko Machine

Una kong nabasa ang kanyang ngalan sa 24/7, literary folio ng Diliman:

Manuel “Manix” Abrera, komikero ng Philippine Daily Inquirer, VisComm graduate, dating graphics editor ng Kule.

Jess Abrera, ngalan ng kartunista ng libro namin sa CWTS, ang Back To The Basics ni Oliver Tuazon.

Ang aking teorya, sila’y magkapamilya.

Narito ang aking iba pang nakalap na impormasyon:

Bheng, ang paborito kong Kiko:

Benrey “Bheng” Densing, isa sa mga artist ng Pulp magazine.

Para sa iba pang impormasyon na out-of-Kiko (para sa kaalaman ni Colin):

Michael Francis “Mykel” Andrada, isang kilalang propesor sa Departamento ng Filipino, isa palang bandista – bokalista ng Baklas.

Kendrick “Kenikenken” Bautista, ang maylikha kay Felenina Lacaba alyas “Leni Bedspacer”, ay isa pa ring bandista – rhythm guitars sa Lady Bedspacers.

Written by langaw

Agosto 7, 2005 at 8:17 Hapon

Ipinaskil sa Bluebook

Minarkahan ng ,