L A N G A W

Don't judge a shit by the flies that hover around it.

Posts Tagged ‘sarcasm

Intensive Care Unit

walang mga puna

Lilipad na naman ako bukas ng gabi. Balik DC ng tatlong linggo.

May task na kailangang tuparin. Gaya ng housemates sa Pinoy Big Brother, kailangan ko ring patunayan ang aking pagkamasunurin sa The Big Bully.

Ang buhay ko ngayon ay parang isang pingpong.

Wala akong dapat ikwento sa mga sandaling ito, dahil palagay ko’y, ito na ang tinatawag kong “The Great Perhaps.

Kung gusto mo ng mga kwento, lumipat ka sa kwento ng iska.

Narating ko na ang pinakatampok na yugto ng aking buhay. Hindi ko ito dapat pakawalan sa pagtipa ko ng mga letra sa keyboard. Ang ganitong bagay ay dapat sinasarili na lamang.

Kung hindi mo masundan ang sinasabi ko, huwag kang mag-alala. Siguro’y hindi mo pa napanood ang Into The Wild. Siguro’y hindi mo ito pinanood pagkatapos ng iyong university graduation. At siguradong hindi ka katulad ko na parang sponge. 

Mabuti siguro para sa iyo kung wala ka nang malaman pa tungkol sa huling pangungusap na nabanggit.

Katulad ng matagal ko nang binabanggit, hindi ako nanlilimos ng awa.

Bukas ng gabi ang flight ko at hindi pa ako nag-iimpake. Di pa rin tiyak kung may susundo sa akin pagdating sa DC.

Sana ay hindi ako matakot sa posibilidad ng bloopers. Dahil ika nga ni Jun Cruz Reyes, “Walang masamang karanasan sa isang artist.”

Sana ay makakita ako ng kasiyahan sa katangahan. After all, “Ignorance is bliss.”

Written by langaw

Hulyo 27, 2008 at 1:45 Hapon

Ipinaskil sa Post-college

Minarkahan ng , , ,

Sur(e)name

walang mga puna

Fourth year highschool nang mapasama ako sa isang Science camp sa Laguna. May mga contest kasi. Isasali raw ako sa Essay Writing. Mayroon ding Extemporaneous Speaking contest. Aywan ko ba kung bakit tinawag iyong camp. Samantalang hindi naman kami nagtayo ng tent at gumawa ng bonfire. Pagkatapos, sa loob pa kami ng isang iskwelahan tumigil nang tatlong araw. Higit sa lahat, Beauty Pageant ang highlight ng camp. Pero kahit napraning ako sa konsepto nila ng camp, sinuwerte naman ang aming school dahil nanalong fourth runner up ‘yung muse at escort namin. Tsaka naka-first place pa ‘yung escort namin na sumali sa extempo at sa awa rin ng siguro’y inaantok nang hurado, ako sa essay.

Makalipas ang ilang araw, may isinabit na streamer sa kaliwang bahagi ng higanteng gate ng aming school. Ang balita ko’y pagpupugay daw sa mga nanalo sa Science camp. Kakabog-kabog ang dibdib ko kasi siyempre kasama ako sa mga nanalo, kahit pa nga sabihin ng ibang tsamba lang. E dati ko pang pangarap na makita ang ngalan ko sa streamer. Pagkatapos napagbigyan naman ng tadhana. Sino ba namang hindi masasabik sa balita? Pero hindi ko muna sinilip ang banner. Hinintay ko mag-sabado para mas matitigan ko nang matagal ang natupad kong pinakaaasam-asam na pangalan kong nakasulat nang malaki sa streamer.

Sabado. Dumaan ako sa iskwelahan at tumigil sa harap ng higanteng gate. Nakita ko ang ka-pangalan ko na unang nakatala sa mga mas maliliit na pangalan sa ibaba ng higanteng ngalan ng aming Muse at Escort. First placer din siya sa Essay Writing.

Si Viola Flores.

Buti pa siya. Akala ko pa nama’y natupad na ang aking pangarap.

***

Nang tumuntong ako nang first year sa kolehiyo, isa sa pinakaunang requirement ang magpagawa ng ID, na sa ikalawang linggo ng unang buwan ng pasukan mo makukuha. Hindi man lang sumagi sa aking isip na sa lawak ng mundo at sa laki ng populasyon ng aking iskwelahan ay (im)posibleng may carbon-copy ang mukha ko.

Aaminin ko ngayon na ninakaw ko ang kanyang pagkatao sa loob ng isang semestre. Labas-masok ako sa mga library gamit ang kanyang ID. Pero may kasabihan nga tayo na walang sikretong hindi nabubunyag. Kaya nang kukunin ko na ang classcard ko sa English I, napilitan akong gamitin ang aking amateur talent sa pagsisinungaling na pinunan ko na lamang ng pa-innocent-look epek. Nakalusot naman ako pero mula noon ay tinabi ko na sa aking drawer ang ID ni Viola Fillores at nagpasyang tubusin sa OUR. ang tunay kong ID.

Sa mga nakakikilala sa kanya, mangyari lamang na ipagbigay-alam ninyo sa akin sa lalong madaling panahon nang maisauli ko na ang matagal nang nawawalang ID ni Viola Fillores.

***

Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng bara sa aking lalamunan sa tuwing naaalala ko ang titser ko sa highschool sa English I. Mutual ang aming naging pakiramdam para sa isa’t isa. Hinahanap niya sa akin ang hindi ko naman kilala at ang maririnig naman niyang napipilitang magrecite sa kanya ay hindi niya kilala. Pero kahit ipinasa naman niya ako nang matapos ang taon, hindi pa rin ako mapalagay sa taong pinagpipilitan niyang makita sa akin.

Sino ba si Feriols?

Sino ba ang Miss Feriols na pinag-rerecite niya?

Sino ba ‘yun?

Written by langaw

Hulyo 17, 2008 at 4:52 Hapon

Ipinaskil sa Scratch Paper

Minarkahan ng , ,

Magic 21

walang mga puna

Napipinto na ang aking simbolikong pagtawid mula kabataan patungo sa sunod na antas ng paglago ng isang tao…

SUBALIT hindi ako naniniwala na ang pagiging isang ganap (=mature) na adult ay nakadepende sa edad ng isang tao.

Kung gayon ay isang malaking kahibangan ang aking tinurang simbolikong akto. Isang napakalaking kahangalan na bumubulag hanggang sa kasalukuyang henerasyon. Ang lamat sa kultura ng santinakpan, maliban sa isang alam ko. Sa bayan kong minamahal, perlas ng Silangan.

Ang paparating na araw ng aking pagtanda ay itinuturing na espesyal sa lahat ng lugar, maliban sa atin.

Legal na edad para sa bisyo, luho, at iba pang katarantaduhan. Basta’t may ID ka lang (na kataka-takang pwede rin namang ipeke).

Kaya’t sa ngalan ng hipokrisi, alienasyon, at kataksilan, gagawin kong kasaysayan ang aking pagiging 21.

Make your 21st birthday a memorable day in your life. Afterall, you only become 21 once.

*******

SURVEY says…

  • Go to Disneyworld and have fun with the rides. Make the most out of your remaining childhood days. Dance with Mickey Mouse.
     1
  • Go to casino and gamble all your savings. It’s your first day to adulthood. Set loose your greediness. Try the slot machines and don’t go home until you’re broke.
     2
  • Drink and don’t stop until you pass out. You’re legally old enough to be crazy.
     0
  • Go on a picnic and join a children’s game. Roll on the grass like you’ve always wanted. Life’s never been this simple and nice. Don’t forget to smile.
     1
  • It’s summertime! Go out with your family and hit the beach. You’ve never had a sunny birthday before. You might even get to learn how to swim.
     0
  • Go cross-country and visit Canada, your dream country next to Czech Republic.
     0
  • Sleep. The best way to deal with the coming Apocalypse is to close your eyes and dream.
     0

Written by langaw

Hulyo 9, 2008 at 3:46 Hapon

Ipinaskil sa Post-college

Minarkahan ng

Halakhak

walang mga puna

HAHAHAHAHAHA!

Tapos na ‘ko ng kolehiyo.

Wala akong trabaho.

Wala akong ginagawa.

Sa kauna-unahang pagkakataon, Panginoon ko ang aking sarili.

Wala akong konsepto ng oras. Natutulog ako kung kelan ko gustuhin. Bumabangon kung kelan ko naisin. Kumakain anumang oras gutumin.

Ang bonus: I have an unlimited internet access.

Hindi ako masaya.

HAHAHAHAHAHA!

Tawanan mo ang iyong problema.

Written by langaw

Hulyo 7, 2008 at 7:27 Umaga

Ipinaskil sa Post-college

Minarkahan ng

Ako 101

walang mga puna

Madaling araw ako isinilang.

Hindi ko alam kung saan ako ipinaglihi.

Pinalaki sa layaw.

Apat na taong gulang ako nang una akong magtrabaho.

Warfreak at Model Pupil ako nung elementary.

Pinangarap ko dati maging mabuti.

Gusto kong awayin ang mundo.

Tanga ang middle name ko.

Hindi ko na alam ang sasabihin ko.

Nahihilo na ako.

WELCOME TO THE CLUB!

Ang sabi kasi ni Craig David, “…make love in this club.”

Yakidiri!!!

Ibahin natin.

TAGAY SA TA(GU)MBAY!

Written by langaw

Hunyo 16, 2008 at 11:28 Hapon

Ipinaskil sa Scratch Paper

Minarkahan ng ,