L A N G A W

Don't judge a shit by the flies that hover around it.

Posts Tagged ‘skit

Siyetehan

walang mga puna

Abe: Ang trapik sa Cubao!

Jos: Palusot ka pa.

T-rex: Hindi nga.

Jos: Kung maaga ka, hindi ka aabutan ng traffic.

Abe: Fine. Ano’ng balita?

Jos: Si Kato sasali raw. Lumayo para mag-concentrate. Nang dalawin namin kahapon, ayun nagmumukok lang pala sa kanila ang loko.

Abe: Sira ulo.

T-rex: Order na.

Abe: Vodka tonic.

T-rex: Ako rin. Tsaka nachos.

Jos: Nakailan ka na? Baka wala kang pambayad ha? ‘Yung utang mo kay Pardo sa akin siningil.

T-rex: O relaks lang. May raket ata ako.

Abe: Talaga? Manlilibre ka ba ngayon?

T-rex: Hindi. Siyempre kelangan ko rin naman mag-ipon.

Jos: Sabihin mo kuripot ka lang.

T-rex: Ang sakit mo naman magsalita. Praktikal lang.

Abe: So kanya-kanya pala tonight?

Jos: Ganun na nga.

T-rex: Kumusta, Macbeth?

Abe: Eto panay ang gala. Kagabi nanggaling din ako rito. Dun nga lang sa kabilang block.

T-rex: Asenso ka na. Kelan ka pa nagkaroon ng barkada?

Abe: ‘Lul. Nanlibre lang yung kaklase kong galante. Siyempre libre dinner na. Kesa naman magtiyaga ako sa kanton ni Lucky.

Jos: Nagrereklamo na ba ang mga bulate mo?

Abe: Sinabi mo. Hindi pa dumarating yung allowance ko.

Jos: Di ba sa katapusan ka pa nakakasahod? E simula pa lang ng buwan ngayon a.

Abe: Pa’no ang daming gastusin.

T-rex: Gastusin? Sabi ko sa’yo mag-sachet ka na lang.

Abe: Sachet na nga. Pati toothpaste. Kung pwede nga lang pati bigas de-sachet na rin.

Jos: Talaga? Bago yun a.

Abe: Corny.

T-rex: Pabayaan mo na lang ‘yan. May taning na e.

Abe: O bakit? Sinusumpong ka na naman?

T-rex: Sinabi ko na kasing sumama na sa amin ni Kato sa bahay. Mas gusto raw mag-isa. Ang tigas ng ulo.

Abe: Naglaslas ka na naman ba? Sinabi ko na sa iyong hindi na uso ang Gillette ngayon.

Jos: Muntik lang.

Abe: At bakit na naman? Ano naman ba’ng natuklasan mo?

Jos: Wala.

T-rex: The Cycling.

Abe: Seryoso?

Jos: ‘Yung kay NV.

Abe: Oo? Pucha ako rin naman e.

Jos: Iba naman sa’yo.

Abe: Hoy ano’ng tingin mo sa akin abno? Tsaka akala mo hindi ko yun binabasa gaya ng pagbasa ng isang Zeus?

T-rex: Pati ba naman ikaw?

Abe: Bakit? Ikaw ba hindi?

T-rex: BS naman yan e.

Jos: Alin?

T-rex: Yung libro. Mapagpanggap lang ang bwakanang bidang ‘yun.

Abe: Bakit naman, The Catcher?

T-rex: Ano’ng nakakatuwa sa happy ending?

Abe: Hahahahaha!

Jos: Wala akong pakialam kung anong ending. Ang sa akin lang, yung sa Cycling.

T-rex: Okey. Sige.

Abe: Sorry.

T-rex: Gusto ko mag-sto.

Abe: Sama ako.

Jos: Runaway ba?

Abe: Heartless Girl!

T-rex: Kahit alin. Basta sto faraway.

Jos: E anlayo mo na naman sa inyo a.

T-rex: Mas malayo, mas okey. Wala nang balikan.

Abe: Okey ka lang?

T-rex: Hindi. Ayokong mapag-iwanan. Kaya aalis na lang ako sa paraang alam ko.

Jos: Imposible. Nasa Earth ka pa rin pag ganyan. Ba’t di mo subukan sa Mars?

Abe: ‘Lul.

T-rex: Sige pero wag na sa Mars.

Abe: Wag na sa Milky Way.

T-rex: Saan? Andromeda?

Abe: Hahahahaha!

T-rex: Sama kayo?

Abe: Ayoko. Sobrang layo. Gusto ko pa makabalik.

T-rex: Nostalgia freak.

Abe: Bakit? Wala namang maganda sa kasalukuyan. Bakit pa ako maghahanap ng future kung saan man. Babalik na lang ako sa amin. Doon na ako tatanda at mamamatay.

Jos: Hindi ka magpapakamatay?

Abe: Ewan. Basta gusto ko makabalik sa pinagmulan.

T-rex: Good old brother, Abel.

Abe: Sino si Cain?

Jos: Sabihin mo Dr. J and Mr. Hyde.

Abe: ‘Lul. Kanina mo pa ako tinitira a.

Jos: Pikon ka na?

Abe: Hindi. Sa TV lang ako napipikon.

T-rex: Ang saya-saya kaya ng noontime show.

Jos: Hindi, mas maganda ang mga asianovela.

Abe: Haynako. Wala nang mas gaganda pa sa Marimar.

T-rex, Jos, at Abe: Hahahahahahaha!

Abe: Kainis.

T-rex: Akala ko ba walang TV sa inyo?

Abe: Oo buti na nga lang e. Kaso pag-uwi ko sa’min, wala namang drugs. Pinatulan ko na lang ang holy box.

Jos: Holy box?

T-rex: Nagsisimba ka pa ba pag Linggo?

Jos: Sabadista ‘yan.

Abe: Hindi. Hindi rin. Nagpapahinga ako.

T-rex: Ayos ka rin a. Baka maoverdose ka niyan.

Jos: Seryoso ba yan?

Abe: Pag hindi ka pa tumigil, ako na mismo maglalaslas ng kamay mo.

Jos: Salamat, ‘tol.

T-rex: Yosi lang ako sandali.

Abe at Jos: Lumabas ka, utang na loob!

T-rex: Mahal ko kayo, salu-salo tayo sa lung cancer.

Abe: Wala akong pang-ospital.

Jos: Libre mo ba?

T-rex: Mga gagu.

Abe: Ano’ng oras na?

T-rex: Oras na para magwalkout ka.

Jos: Ikaw ‘yung nahuling dumating, tapos ikaw pa ang mauunang umalis? Anlabo mo naman.

Abe: Ganun talaga.

T-rex: Salamat sa mga pinagsamahan.

Abe: Huwag mo akong ilibing ng buhay, kapatid.

T-rex: Isang round na lang. Toast tayo.

Jos: Para sa kabaliwan!

T-rex: Para sa katarantaduhan!

Abe: Para sa kinabukasan!

T-rex: Puta’ng trapo.

Abe: Para sa kaututan!

Jos: Anlabo mo talaga.

Abe: Ganun lang talaga e.

T-rex: Para sa kahayupan!

Jos: Para sa kabuktutan!

Abe: Para sa kaalipinan!

T-rex: Tsk..tsk..tsk…

Abe: Para sa katangahan!

T-rex: Para sa bangungot!

Jos: Para sa basura!

Abe: Para sa puta!

T-rex, Jos, at Abe: TAGAY!

WAKAS

Written by langaw

Nobyembre 6, 2007 at 9:42 Hapon

Ipinaskil sa Copyleft

Minarkahan ng

Tres Marias

walang mga puna

Alam mo ba, na kaya naka-halfmast ngayon sa US kase namatay si former President Ford?

Dapat pala sa atin din. Dapat naka-halfmast din.

Bakit?

Kase half din lang ang height ng President natin.

Kelan mo ba titigilan yang kakornihan mo?

Pag lumaos na ako.

Hindi ka pa nga sumisikat.

Kaya nga eh.

Kanina ka pa ba?

Medyo.

Nasaan na yung isa.

Wala pa. Mahuhuli raw.

Ows.

Bakit?

May date na naman siguro yun.

Ikaw ba? Kumusta na nga pala.

Kumusta ka diyan.

Sorry naman. Ano na ba’ng balita sayo. Sa inyo—

Wala na.

Ha?

Sabi ko wala na.

Teka. Diba kaya nga nandito tayo ngayon para…

Dapat. Pero kanina habang nasa biyahe ako papunta rito, nagbago ang isip ko. Nagdecide akong huwag na lang ituloy ang kasal.

Ano?

You heard me.

Pero… bakit?

Naisip ko lang na hindi fair sa kanya…

What? Hindi ba ikaw nga ‘tong nadisgrasya niya ang dapat…

Listen to me, young lady. Kung ano man ang ibinunga ng pagsasama namin, hindi ko pinagsisisihan at… ginusto ko ‘to.

O-kay…?

Tsaka naisip ko rin na ayoko naming itali ang sarili ko sa isang taong hindi ko naman sigurado kung gusto niya nga akong makasama habang buhay. Paano kung ayaw naman pala niyang magsama kami pero napilitan lang siya dahil sa magiging anak namin.

But it’s unfair…paano ka?

Anong paano ako? Oo minahal ko siya at mahal ko pa rin naman siya hanggang ngayon, kaya lang hindi ko pala siya gustong makasama habang buhay. Ibang usapan na ‘yon. I’m not ready to settle down. Para lumaya ako, pinalaya ko siya. Now, I’m happy.

Talaga?

Oo.

Congratulations. I’m happy for you.

Thank you.

Best wishes.

Gaga.

Biro lang.

Ano namang balita sayo?

Eto tulad pa rin nang dati.

Ano’ng tulad nang dati?

Nagdo-drowing pa rin.

Hindi ka pa ba nagsasawa?

Masaya ako sa ginagawa ko.

May future ba dyan?

Ang sabi ko masaya ako. Wala akong pakialam kung may future man o wala sa ginagawa kong ‘to.

Paano ka?

Ano’ng paano ako? Kumikita naman ako kahit papaano.

Pero paano bukas at sa susunod pang araw at sa darating pang mga buwan at taon? Anong ipangkakain mo? Anong ipanggigimik mo? Paano ka mabubuhay?

Hindi ko kailangan nang luho if that’s what you mean.

Really?

Yes.

Baka naman kase dahil may Edward ka kaya malakas ang loob mo. Hindi ka niya pagugutuman. Aminin.

Walang kinalaman si Edward sa usapan.

Talaga lang ha.

I’m not a pet and I won’t be a pet ever!

Asus.

Wala na kami.

Ha?

Ang sabi ko, wala na kami. Bingi ka ba?

Bakit ang sungit mo?

Bakit ang kulit mo?

Binibiro ka lang naman.

Below the belt ka na eh.

I’m sorry.

Sorry rin.

I didn’t know.

Ikaw kase eh.

Sorry na nga.

Nabigla rin lang ako.

Bakit?

Pagod na ako.

Lame.

Ayoko na makipaglokohan.

Cliché.

Sawa na akong maging panakip-butas.

That’s new.

Sawa na ako makipagplastikan sa harap ng mga tao. Sawa na ako magpanggap na girlfriend niya. Sawa na akong umasa. Sawa na akong maghintay sa wala.

What are you talking about?

Bakit ang tanga-tanga ko? Bakit mahal ko siya at minahal ko pa rin siya kahit iba ang mahal niya. I’m so stupid.

May third party?

Kaya ko naman sigurong tanggapin na may mahal siyang iba, pero hindi ko kaya at ayokong tanggapin na may boyfriend siya at masaya sila.

Oh my—!

Pero naging tanga ako. Umasa akong mababago ko pa siya pero mahal niya talaga.

I’m very, very sorry.

Okay lang. Kinakaya ko pa naman. Pero baka hindi rin magtagal.

Please don’t—

I’m so stupid. There’s no other way—

Don’t you dare— stupid ka nga talaga!

I know.

Alam na ba nila?

Ikaw pa lang.

Sasabihin mo?

Bahala na.

Paano pag tinanong nila?

Eh di sasabihin.

Andyan na ata yung isa.

Sorry I’m late.

Saan ka ba galing?

Sa party.

Nasaan ang date?

Umuna na ako. Siyempre hindi ako pwedeng tumanggi sa inyo.

Drama.

Kayo pa.

Pero inuna mo ang date mo.

Well…

Gaga!

Ano ba’ng masama?

Ikaw pa ang may ganang magtanong.

Bakit ba? Ano na naman ba ‘to?

Problemado yan.

Ikaw rin naman.

Anong ako? Wala akong problema, hoy.

Am I missing something?

Marami.

Tell me everything.

No.

Please…

Late ka kase.

Sorry nga eh. Sige na… ano yung kwento?

Written by langaw

Enero 20, 2007 at 11:02 Hapon

Ipinaskil sa Copyleft

Minarkahan ng ,